RESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO’S OPENING STATEMENT DURING THE NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION (NAPC) CABINET GROUP MEETING
Aguinaldo State Dining Room, Malacañang
July 8, 2008
I’d like to call this National Food and Energy Council Meeting first to order.
Mga kababayan:
Tatlo ang pulong ngayon ng Gabinete.
Una, magpupulong ang National Food and Energy Council upang repasuhin ang takbo ng pagtanim ng palay, upang mapalakas ang produksyon ng bigas hanggang katapusan ng taon. Titiyakin nating masigasig at malawakan ang pagtatanim ng palay, kasama ang FIELDS Program – fertilizer; irrigation and other infrastructure; extension, equipment and education; loans; dryers and other post-harvest facilities; and seeds.
Pagkatapos, babalangkasin ng National Anti-Poverty Commission Cabinet Group ang pambansang programa para sa kagalingang panlipunan. The existing programs of DSWD, DOH, GSIS, SSS and other agencies providing social welfare services shall be clustered into a National Social Welfare Program that directly addresses the impact of the adverse global environment.
Samantala, patuloy ang mga programa natin sa pamamahagi ng bigas sa mga paaralan, pagbibigay ng tulong pantawid sa mahihirap na pamilya, at kooperasyon sa mga pangkat ng namamasadang bus at jeepney, upang hindi gaanong tumaas ang pabigat sa ating mananakay. Nagagawa nating lahat ito sa bisa ng lumalagong kaban ng bayan mula sa buwis na galing sa mga may-kayang antas ng lipunan.
Panghuli, susuriin ng NEDA Cabinet Group ang datos sa kalakal sa mundo. If on the liability side of the national balance sheet we sustain a loss from rising prices of commodities we import like oil and rice, then we should endeavor to generate compensating gains from the asset side through commodities we can export. This asset consists of “hard” commodities such primary products, supplemented by “soft” commodities such as tourism and outsourced business processing.
Sa ating pagkakapit-bisig, sama-sama nating lampasan ang mga hamon ng pandaigdigang ekonomiya.