President Gloria Macapagal-Arroyo's speech during the groundbreaking ceremony of the Pamayanang Maliksi-Cavite Mass Housing Project and the Women's Month provincial kick-off ceremony "CEDAW ng Bayan: Kayamanan ng Kababaihan"
Brgy. Pasong Kawayan, General Trias, Cavite
March 5, 2008
... Pagpakilala at paghayag ng inyong suporta at suporta ng lalawigan ng Cavite sa ilalim ng inyong liderato.
Binabati natin si Vice-President at HUDCC Chairman Noli De Castro, (Applause) na siya ang namamahala sa pabahay sa ating administrasyon; binabati rin natin si Mrs. Maliksi at lahat ng kababaihan ng lalawigan ng Cavite ; (Applause) binabati natin si Congressman ninyo, si congressman Pidi Barzaga at ang kanyang maybahay na si Mayora Barzaga ng Dasmariñas; (Applause) Binabati natin si Congressman Jun Abaya (Applause) At meron siyang lola sa tiya na isa sa pinakakilalang kababaihan ng Cavite , si Justice Amorfina Herrera; (Applause) Binabati natin ang ating kababaihan sa Gabinete, si Secretary Espie Cabral at lahat ng mga nag-aalaga ng kababaihan sa Cavite at saka sa buong bansang Pilipinas.
At nagpapasalamat tayo sa mayor ng General Trias, si Mayor Ferrer sa magandang welcome niya sa atin kanina; (Applause) At nandito rin yung mayor ng yung tatlong bayan na sinasakupan nitong proyektong ito, si Mayor De Sagun ng Trece Martires (Applause) At saka si Mayor Arayata ng Tanza; (Applause) At nandito rin ang iba't-ibang mga mayor, nandito sa entablado si mayor ng Tagaytay City, si Bambol Tolentino; (Applause) Nandito si Mayor Loyola na kinakatawan ng iba't-ibang mayor na narito rin ngayon pati na rin si Bise-Gobernador at yung ating mga board member na nandito in full force; (Applause) si Vice-Mayor Campaña binabati natin; At gusto rin nating batiin siyempre ang lahat ng mga tumanggap ng mga biyaya itong araw na ito lalung-lalo na yung mga maybahay na ang pamilya nila ay titira dito sa napakagandang housing project ng lalawigan ng Cavite . (Applause)
Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng mga taga-Cavite at nagpapasalamat sa tuloy ninyong suporta sa ating administrasyon. (Applause)
Dahil araw ng kababaihan, kaya't pinaakyat ko si Gobernadora at saka si Mayora na maybahay ni Congressman. Batiin din natin yung Mutya ng Kalayaan na narito. (Applause) At saka binati natin si Mayora Cantimbuhan na nasa Palawan na pala ngayon at yung isa kong babaeng ambassador, si Vicky Bataclan na taga-Cavite . (Applause) tayo ay binabati natin espesyal yung mga Caviteña maging kilalang sa labas, kilala sa loob, nabanggit ko na si Justice Amorfina Herrera na siya ay apo ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Pinagmamalaki natin rin si Senadorang Helena Benitez, kaya maraming-maraming kilalang Caviteña.
Doble ang pagdiriwang natin ngayon, ang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan dito sa Cavite at yung pasinaya nitong pabahay sa masa na sinulong ni Governor Ayong Maliksi. Ang ganda-ganda, “Pamayanang Maliksi”. In other words, energetic community, yun ang ibig sabihin ng “Pamayanang Maliksi”. (Applause)
Mapunta muna tayo sa kababaihan. Ipinagbubunyi natin ang tema ng buwan ng kababaihan -- “CEDAW ng bayan: kayamanan ng kababaihan.” CEDAW, hindi sigaw. Ang CEDAW ay U.N. Convention on the elimination of all forms of discrimination against women. Ito ang nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan sa buong mundo. Pero ipinagmamalaki natin ang ating bansa, gawa ng kinikilala tayong mahusay sa pagtupad ng CEDAW na pinagmumulan ng maraming kabuhayan at pagtanggol ng karapatan ng kababaihan, kaya’t tayo sa buong mundo ay pang-anim na bansa sa husay ng pagsunod sa mga panukala ng CEDAW. (Applause) Ang nangunguna lamang sa atin ay yuong apat na Scandinavian countries at saka yung New Zealand, tapos tayo na, pang-anim sa buong mundo.
Bakit tayo pang-anim sa buong mundo? Doon sa mga ebidensiyang tinignan nung mga naghuhusga, tayo lamang ang bansa sa asya na nasarado ang gender gap sa edukasyon at sa kalusugan, (Applause) At isa sa anim lamang sa buong mundo na nasarado na itong gender gap na ito.
Halimbawa sa sa edukasyon, nangunguna ang Pilipinas sa kapantayan sa literacy rate at sa enrollment rate sa eskwelahan -- ayun si Mayor Strike Revilla, nandiyaan. Strike, sinabi ko na yung problema mo kay Vice-President Noli De Castro ha? (Applause) Kaya mag-usap kayo. Ito yung mga mangingisda na nagkakaproblema doon sa pagtayo ng bagong Coastal Road, Strike. O bukas, Strike.
Sa katunayan lamang yung mga babae ay lamang sa mga lalaki sa simple literacy rate. Sorry na lang governor ha, kaya masunurin ang mga Kabitenyo dito. Lamang din ang mga babae sa pag-enrol sa paaralan at mas mababa ang drop-out rate ng mga babae. Sa mga honor students, lamang din ang mga babae. Sa kalusugan at haba ng buhay, nangunguna ang Pilipinas sa kapantayan ng babae at lalaki. Sa katunayan, mas mahaba ang buhay ng mga Filipina kaysa sa lalaking Pilipino. (Applause)
Pinuri na natin si Justice Herrera, si Senadora Helena Benitez, si Vicky Bataclan, yung mga kababaihan sa pamumuno ni Gobernadora at saka ni Mayora ng Dasmariñas, yung mga kabataan at kababaihan ng pamumuno ng ating Mutya ng Kalayaan, pero kung papayagan ho ninyo ako, hayaan niyong purihin ko rin ang isang Kabitenya, ito ay ang pangalan niya Escolastica Romero. Siya ay taga-Cavite City pero nag-asawa sa isang Kapampangan at naging Mrs. Macapagal. Siya ang lola ng aking tatay. Siya'y isang komadrona at isang cathechism teacher sa catholic school. Siya ang nagpa-anak sa kanyang apo na si... Dahil komadrona siya, siya ang nagbigay ng pangalang “Diosdado”, bigay ng Diyos, dahil very religious siya. At noong ang tatay ko pagkatapos mag-high school, bago naging... Nag-aral ng abogasiya at bago nag-topnotcher doon sa bar exams, kumuha muna siya ng civil service exam at nag-number one din siya sa civil service exam. Pero kahit na number one siya, hindi siya makahanap ng trabaho. Ganun din pala nong unang panahon. Pero yung aking lola sa tuhod, si Eskolastika Romero dahil marami siyang mga pasyente bilang komadrona, merong isang pasyente siya na si Mr. Mills. Isang mistesong Aleman na nagtratrabaho sa Bureau of Lands. Siya ang kumuha sa aking tatay sa unang trabaho niya bilang civil servant. Kaya kong naaalala ko yuon, yung kahirapan ng paghanap ng trabaho kahit na number one sa civil service, at ang ating mga suliranin sa ekonomiya ngayon, talagang iniisip ko na noon hanggang ngayon isang malakas at lumalagong ekonomiya ang sinisikap nating ilikha upang tumulong tiyakin ang kapayapaan, katiwasayan at katatagan ng ating bansa. Ito ang dahilan sa ating nagiging maliksi yung pagbabangon natin araw-araw para magsikap at mag-focus parang laser beam upang ayusin ang ating ekonomiya. Gumawa tayo ng mahihirap at hindi popular na mga desisyon na iangat ang koleksyon ng pamahalaan at habulin ang mga nagdaya sa buwis upang makapuhunan tayo sa ating imprastraktura at ating taumbayan.
Kaya naman, pag humihiling si Governor Maliksi ng kalsada na maging maayos, maaliwalas ang entrance at exit dito sa magandang pabahay na proyektong ito, puwede nating atasan kaagad si Undersecretary Aquino, (Applause) Ayusin mo yung hinihingi ni Governor Maliksi.
Kapag nagdadala tayo ng mga puhunan, at ang daming namumuhunan sa Cavite at naglilikha ng mga trabaho, may higit na matatag at predictable na buhay ang ating taong bayan. At sa mga higit na pamumuhunan ay kasama ang higit na koleksyon sa buwis na maaaring ipuhunan sa mga eskwela, mga kalsada gaya ng hinihingi ni Governor Maliksi at yung mga tulay gaya ng hinihingi ni Mayor Ferrer, huwag mong kalimutan ha? Dapat i-groundbreaking na natin yung isang tulay doon sa tatlong hinihintay nila, Undersecretary Aquino. (Applause) At pati na rin sa kalinga at saka sa kalusugan, at saka edukasyon at saka sa kapaligiran. Sa dating ng panahon, sa ganun, makikinabang ang lahat.
Ngunit batid natin na gaano pa man nagkakaroon ng pag-ibayo sa taas ng economic ladder, marami pa rin sa ating mga taong bayan ay kumakayod ng maliksi. Batid na batid natin nagtatrabaho araw-araw ang marami sa mga nagsisikap na babae at lalaki para lamang makalagay ng pagkain sa mesa at makapagbigay ng shelter sa pamilya.
Dahil sa pag-akyat ng ating ekonomiya ay layunin natin na makagastos ng apatnapu't apat bilyong ang ipupuhunan sa pabahay. Ang walong bilyon dito ay manggagaling sa national budget, at sabi ni Vice-President De Castro, meron tatlumpung bilyon na nanggagaling naman sa PAG-IBIG na napakababa ang interes. At meron ding nanggagaling sa pribadong sektor at sa mga bangko, meron ding binalita si Vice-President De Castro na yung Asian Development Bank ay nagpahiram ng Official Development Assistance sa Development Bank of the Philippines na puwedeng gamitin ng take-out kaya yung mga bibili ng bahay dito puwedeng humiram sa PAG-IBIG, puwedeng humiram sa DBP para sa take out dito sa bahay na ito. Kasi yun ang sistema pag pribadong sektor ang nagtatayo ng pabahay.
Pero dito, bagamat private sector ang magtatayo ng bahay, ang gobyerno ng Cavite ang bumili ng lupa kaya mura ang pagbibili ng lupa dito, 500 pesos lamang tapos around P1,300 yung bahay, so P1,800 ang gastos ng pabahay dito. At ang daming puwedeng manirahan dito, walong libo, maging yung mga dating iskwaters or yung mga sundalo. Binabati natin si General Obañana at yung ibang mga officers natin dito. (Applause) So General, yung inyong mga sundalo ay puwedeng manirahan din dito, P1,800 a month. Mga pulis, so binabatin rin nating si General Padilla, yung mga pulis niyo dito puwede rin kasi walong libo ang puwedeng pabahay dito, tatlong libo na di ba, Governor, ang meron na? At although sa bilang ni Governor Maliksi, mga labinlimang libo palagay niya ang maghahanap ng bahay dito, (Applause) saka kalahati ng mga nangangailangan ay mabibigyan.
Kaya nagpapasalamat tayo kay Governor Maliksi sa patuloy niyang suporta sa pambansang layunin na matugunan ang mga pangangailangan ng ating kababayan.
Itong bagong pabahay sa Cavite para sa mahigit walong libong pamilya mula sa iba’t-ibang sektor gaya ng sabi ko, dating squatter, lalagyan ng bahay ng Gawad Kalinga. So hindi kasama yun sa P1,800, di ba? Iba yon. Yung mga P1,800 more or less mga guro, mga trabahador sa pabrika, mga pulis at sundalo, lahat makikinabang sa bahay na tinatayo kasi ito ay limampu’t tatlong hektarya na suwerte naman, ano, sa napakasiksik na lugar sa Luzon Urban Beltway nakahanap pa si Governor ng mahigit limampung hektaryang puwedeng bilhin para sa taumbayan.
Kaya congratulations, Governor Maliksi! (Applause) Napakagandang paraan kung papano natin ipagdiriwang ang buwan ng kababaihan sa Cavite dahil yung mga maybahay ay nagkakaroon ng bagong bahay.
Sa inyong lahat, congratulations mga Caviteño, babae o lalaki at mabuhay ang Caviteño at Caviteña!