PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO'S SPEECH DURING THE FORMAL LAUNCH OF OFW SAVINGS INSTRUMENTS OF DBP AND LBP AT THE RECEPTION WITH THE FILIPINO COMMUNITY IN HONG KONG
Tiffin Lounge, Grand Hyatt Hotel
Hong Kong SAR
March 30, 2008
Maraming salamat. (applause)
Maraming salamat Secretary Romulo sa iyong pagpakilala sa akin.
At binabati natin ang ibang mga Cabinet members at national government officials na narito ngayon sa ating business mission; binabati ko rin ang ating mga elected officials na narito sa pamumuno ni Deputy Speaker Girlie Villarosa ng Mindoro Occidental; (applause) binabati ko ang ating mga official na Pilipino na nandito sa Hong Kong at saka sa China sa pamumuno ni Ambassador Brady (applause) at saka ni Consul General Vicente; (applause) at binabati ko rin si Jojo, thank you; (applause) at kayong lahat na mga Pilipinong narito, mga minamahal kong ... (audio cut)... magandang gabi sa inyong lahat. (applause)
... (audio cut)... nagagalak na kasama kayo muli. (applause) Linggo ang karaniwang araw ng pagpapahinga, pero nandito kayo ngayong gabi kaya maraming, maraming salamat sa inyong lahat. (applause)
At narito si Secretary Romulo at saka si Ambassador Brady mula pa sa Beijing dahil nowhere is foreign policy more important than in protecting and advancing the interests of our overseas workers -- kayo ang napakaimportanteng layunin ng ating foreign policy. (applause) Eh doon nga sa mas malayong lugar kay sa Hong Kong -- Bert I'd like to congratulate you all. The DFA recently reported a seaman released after 14 years in a Bangladeshi jail. At kung naalala ninyo noong ako ay nagpunta sa Saudi Arabia napalaya natin ang 700 na mga bilanggo. Ngayon meron namang 150 being freed from Middle East jails. At napaka-importante yun doon sa Middle East dahil dalawang milyon ang Pilipino doon.
Pero dito sa Hong Kong popular na popular din ang Hong Kong bilang destination ng OFWs. Kayo ay 120,000 na Pilipinong nakatira at nagtatrabaho dito, at saludo kayong lahat ng lahat ng mga tagarito sa Hong Kong. Congratulations! (applause) Eh dapat naman, hindi mapapatawaran ang inyong sipag at ang inyong kalidad ng trabaho, yung inyong mabuting asal, yung inyong katapatan sa tungkulin. Kaya bagama't si Sonia Brady malayo, nandoon sa Beijing, meron tayong 120,000 Philippine ambassadors here in Hong Kong -- Kayo na nga ang ating overseas Filipino. (applause)
At hindi lamang ito mas lalong matimbang kayo sa ating bansang Pilipinas. Ipinagdarangal at binibigyan ng halaga ang inyong sakripisyo at katapatan sa inyong trabaho, sa inyong pamilya, at sa ating bansa.
Kanina sabi ni Consul General, kumokonti na raw yung mga nag-e-emigrate mula sa Southern Europe pero kung titignan natin yung Portugal, medyo mayaman- yaman na rin, 10 percent pa rin ang population nila ay Overseas Portuguese Workers kagaya ng Pilipinas, 10 percent.
Doon sa New Zealand mayaman siya pero 25 percent ng New Zealand overseas din. Ang kaibahan ng New Zealand bagama't yung kanyang mga yuppie nagtratrabaho sa ibang bansa pinapadalhan pa rin ng pera ng mom and pop doon sa anak na nasa ibang bansa. Ang mga Pilipino kayo ang nagpapadala sa inyong pamilya ng inyong tulong, hindi the other way around, kaya nagtutulong kayo sa pamilya niyo, tumutulong kayo sa ating bansa. Maraming salamat sa inyong lahat. (applause)
Ngunit hinahangad natin ang araw, gaya nang sabi ni Consul General na sana hindi na kailangang mangibang-bansa pa ang isang masipag na Pilipino upang makahanap ng desenteng trabaho. We're working for a strong and growing economy to pave the day when Filipinos no longer need to go abroad for a job, and being an overseas worker is just another career option, not the only choice one has to earn a living.
A strong and growing economy is the central pillar that we have labored to create to help guarantee peace, order and stability in our country. And it is paying off: 2007 ang pinakamagandang taon para sa ekonomiya ng Pilipinas sa mahigit tatlumpung taon. Kaya lamang pag malakas ang ekonomiya ay malakas din ang piso.
Kaya lang hindi rin kaila, talagang hindi kaila, na ang nakabawas ang paglakas ng piso sa panggastos ng mga pamilyang OFW. Kanya lang naman nakinabang din ang 80 milyong Pilipino dahil hindi tumama gaano sa kanila ang buong presyo ng pagtaas ng langis sa mundo. Kasi kung 55 pesos kada dollar ang palitan, gaya noong araw, mas mataas pa sana nang five pesos bawat litro ng presyo ng gasolina at diesel. Nabawasan din ang dolyar na utang ng gobyerno at mga korporasyon, kaya mas nailalaan natin sa budget ang mga proyektong pangmasa. Bumaba rin ang singil sa pautang ng bansa, kaya mas mababa pa rin ang interest sa pabahay at pahiram sa negosyo, six percent na lamang yung Pag-ibig. Ngayon lang nangyari yun dahil yun sa malakas na piso. Kung hindi lumakas ang piso, mas malala pa sana ang pagtaas ng presyo sa bansa.
Ganunpaman, upang hindi lubhang mabigat ang paglakas ng piso sa mga OFW, nakita ninyo kaninang hapon ang mga masigasig na pagkilos ng ating administrasyon. Inatasan natin ang mga institusyong pinansiyal ng gobyerno na lumikha ng mga paraan upang lubus-lubusin ang pakinabang ng OFW sa inyong kinikita. Kung naalala ninyo noong Enero, hindi ba pumunta dito si Bise Presidente Noli de Castro para ilunsad yung programa sa hedging ng Development Bank of the Philippines. Kasama niya noon si Mike Arroyo, ang aking asawa. He was here at that time pati na rin si... kaya ito ay para proteksiyunan ang halaga ng kinikita ninyo.
Sa programang hedging, you can already decide, gaya nang sabi ni Jojo, what exchange rate you can change your U.S. dollars for your pesos in the future. Or you can get some insurance and have the option to sell your dollars for pesos in the future either at a certain protected rate or at the prevailing market rate, whichever is better for you.
Itong DBP Hedging Program -- ito nandito si President ng DBP. Hindi ba nandiyan si Rey David, nakita ko. Ayun! nagre-raise pa nga... (applause) Rey, nabanggit na ba niyo kanina yung incentive to the first 100 OFWs? Ang DBP ay magbibigay ng incentive sa unang 100 OFWs na kukuha ng peso insurance. Bibigyan ng 50 percent discount sa insurance fee ng remittance. (applause) Basta lang hindi kayo... basta lang hindi lalampas ng HK$30,000 ha bawat buwan.
Samantala, mayron naman, binanggit na ni Consul General Vicente yung i-Net Negosyo Program ng DBP para maka-asenso, makapagnegosyo ang inyong mga pamilya sa Pilipinas. Mayron isang bilyong pautang ang DBP para magtayo ng mga munting istasyon ng internet ang mga OFW.
Atin ding inilunsad ang mga programa ng Bangko Sentral, nandiyan ang ating Central Bank of the Philippines Governor, si Say Tetangco. Alam niyo si Say, (applause) hindi yan pwede mautusan kasi independent yan sa national government, pero nandito siya kasi tinuturuan yung Financial Literacy program ng mga OFW. At nandito yung mga stock exchange para kayo ay mag-invest sa stock exchange, mas mabuti yun keysa doon sa mga pyramid. Yung stock exchange nakikita niyo minuto-minuto kung ano ang presyo ng inyong stock. Itong mga ito ay para magbigay ng kaalaman sa pera at mamuhunan ang mga OFW at sa inyong mga pamilya. Kasi hangad natin na bigyan ang mga OFW ng pagkakataong hindi lang maging Overseas Filipino Workers, hindi lang maging ambassador to Hong Kong kungdi maging Overseas Filipino Investors or OFI. (applause)
Isa pang programa, yung Tindahang Pinoy. Nung pumasok kayo meron kayong nakitang booth Tindahang Pinoy para sa gustong magbenta ng mga produktong Pinoy sa mga lugar na pinagtatrabahuan ng OFW. Pinagsama-sama ang mga Tindahang Pinoy ang iba’t-ibang produkto na gawa sa atin gaya ng Cornick o Boy Bawang -- gapo diay amyanan -- broas at iba pang kakanin sa katimugan, sardinas mula sa Sarangani Bay -- andami yatang South Cotabato diyaan, magbenta kayo ng sardinas from Saranggani Bay sa Mindanao -- at dried mango mula sa Cebu. At hindi lang pagkain. Bahagi din dito ang pagsasanay sa negosyo para sa uuwing OFW, na ipinapatupad ng OWWA, na noong araw ang namumuno ng OWWA ay ang ating bagong Secretary of Labor, si Nitoy Roque. Congratulations, Nitoy! (applause)
Ang DOLE at ang OWWA ay magbubukas ng call center training program para sa mga OFW dito sa Hong Kong. Di ba maraming OFW dito teacher? Oh, mga teacher magaling mag Ingles. O yung Ingles ninyo sa call center training ay lalaki pa ang kita niyo pagbalik sa Pilipinas. Ang training cost ay bibigyan ng subsidy ng OWWA sa pamamagitan ng kanilang scholarships for OWWA members bilang paghanda sa inyong pagbalik-trabaho ....(audio cut)... sa Pilipinas.
Yung Land Bank naman .... (audio cut)... ligtas at abot-kaya basta meron kayong 20,000 pesos na minimum. In fact, itong 20,000 pesos mas maliit pa kaysa sa maraming time deposit, mas mataas ang interest for five years or ten years na deposito kaysa sa karaniwang pag-iimpok sa bangko.
Tungkol naman sa singil sa padala ng pera, may OFW Cash Card ang Land Bank na madaling gamitin at mas mura ang remittance. At nandiyan si Manny Pangilinan, isang OFW sa Hong Kong, by choice not by necessity. (applause) Yung Smart, hindi ba? Manny, yung Smart ay yun din ay electronic remittance. So, yun ang serbisyo ni Manny dahil alam niya ang buhay ng OFW bagamat mayaman na mayaman na OFW si Manny Pangilinan.
Anyway, binabati ko ang mga gumagamit ng mga produktong ito.Congratulations! to those who have availed of these products. Mahikayat nawa ang iba sa pakinabang ninyo sa mga programa ng gobyerno.
Siya nga pala, speaking of remittances, nandito si Congressman Danny Suarez. (applause) Ayan. Meron siyang panukalang batas, Reducing the Transaction Cost for Money Remittances from Abroad coursed through the Philippine Banking System and Remittance Centers para makatulong sa ating OFW. (applause)
Magbalik tayo sa ekonomiya ng Pilipinas. Malakas ang agos ng investment. We're close to balancing our budget. Pero nung araw, we had to make tough and unpopular decisions to raise revenues and crack down on tax cheats, so that we could invest in our physical infrastructure and in our people. Pero alam natin ang mga problemang humaharap sa ating bansa at kung ano ang inaasahan ng taong- bayan. And we are delivering the economy, education and the environment. Gusto natin na pag-uwi ninyo sa Pilipinas maganda ang uuwian ninyo, na may trabaho kayo hindi lamang dahil sa reintegration program ngunit dahil marami ang oportunidad sa Pilipinas.
Kaya maraming salamat sa inyong mga sakripisyo. Dito sa Hong Kong sana pag-uwi ninyo sa Pilipinas maginhawa ang inyong buhay dahil sa ating pagsikap na palakasin ang ekonomiya ng ating bansang Pilipinas.