President Gloria Macapagal-Arroyo's Opening Statement During the Governors' Economic Meeting with the National Economic Development Authority (NEDA) Cabinet Group
Heroes' Hall, Malacanang
February 26, 2008
Thank you to the governors for joining us on this economic meeting. Before we start, may I just make a statement to the public:
Umaasa ang konstitusyon sa sambayanan at proseso ng batas sa hukuman. Inaatasan ko ang Kagawaran ng Katarungan na maging patas, makatotohan at walang pagkiling sa kanilang pagsisiyasat, at huwag patagalin nang higit sa kinakailangan upang lumabas ang totoo at isulong ang hustisya.
Dapat maging masusi ang pag-uulat sa taong-bayan ng mga pagdinig sa Ombudsman at DOJ upang makita ng lahat kung makatarungan at makatotoo ang proseso, at makapagreklamo ang taong-bayan kung may nakikitang problema.
Sa madaling salita, dapat pagtulungan nating lahat -- gobyerno, simbahan, mamamayan at media -- upang patunayan ng mamamayan ang katotohanan at katarungan sa ating mga institusyon ng demokrasya at hustisya. Ito ang bagong people power --nagbabantay sa mga proseso ng batas upang lumabas ang buong katotohanan.
Sama-sama nating ipanalangin at pagsikapan ito, upang umunlad ang ating demokrasya, maging matatag ang ating lipunan, at lalong sumulong ang ating bansa.
Kung gusto natin ng kapayapaan, katiwasayan, katatagan, ang kailangan natin ang pagsulong ng ating ekonomiya. At malaking bagay sa pagsulong ng ating ekonomiya ang mga pamahalaang lokal. Meron tayong awtonomiya sa ating pamahalaan, ang mga budget ng importanteng bahagi ng kaunlaran, yung sa agrikultura, yung sa kalusugan at yung sa social welfare ay devolved sa mga local governments, pati yung disaster coordination.
Kaya napaka-importante ang papel ng mga gobernador sa ating kaunlaran.
Kaya itong araw na ito ay tatalakayin natin sa ating pagpupulong sa mga gobernador ang darating nating Food Summit. Kaya gagawa ng presentasyon ang ating Secretary of Agriculture, si Secretary Artie Yap.
So, if I may now call this meeting to order and can we ask Governor Leo Ocampos, the president of the League of Provinces of the Philippines to lead us in the opening prayer.