President Gloria Macapagal Arroyo’s Speech During the Presentation of the Budget on Education
Rizal Hall, Malacañang
March 13, 2008
Good afternoon.
Our officials of the Department of Education, CHED and TESDA, our youth and academic organizations, our teachers, school administration and parents, other members of the youth and representatives in the education sector, maraming salamat sa inyong pagdalaw sa Malacañang. (applause)
Kapuri-puri ang inyong malasakit sa bansa. Malaking inspirasyon kayo para sa ating pamamahala.
Hinalal ninyo ako -- kasi halos lahat sa inyo 18 years old and above na, meron ng ilang mga below 18 dito, di ba? -- at pati mga mambabatas para magtrabaho para sa kinabubuti ng lahat. Thank you for expressing your weariness of the politics of division and despair.
Salamat sa inyong pahayag na gusto niyong gumawa, kaming mga hinalal ninyo, ng mahihirap ngunit wastong desisyon para sa ekonomiya, labanan ang kahirapan at panatiliin ang ating bansang mapayapa at maunlad.
Itong nasa isip ko noong Martes nang nilagdaan ko ang pinakamalaking budget na naipasa sa kasaysayan ng Congress,1.2 trillion pesos para sa 2008. Isusulong nitong pondo ang tatlong “E” -- ekonomiya, environment at edukasyon. (applause) Ito ang mga programang pinakamahalaga upang gumanda ang ating buhay.
Ipinamamalas ng ating budget ang ating pagkilos at preyoridad sa patakaran para mamuhunan sa ating taong-bayan. Hindi ba ang gusto ng bawat Pilipino ang mabuting trabaho, pagkain sa mesa, mabuting edukasyon para sa mga anak at mas maaliwalas at dalisay na kapaligiran na may sariwang hangin, malinis na tubig at mayamang lupa.
Siguro nakalimutan na ng ibang tao at mga ibang mga pulitiko ngunit sa kauna-unang pagkakataon sa isang henerasyon nagkaroon tayo ng budget at ekonomiya na nagbibigay ng revenue na pwedeng gastusin sa pagpapaganda at pag-angat ng buhay ng Pilipino. Kasi nung araw sapat lang ang budget para sa sweldo, interes sa utang at IRA sa mga pamahalaang lokal. Nung araw kung gusto natin magtayo ng imprastraktura kailangan uutang pa tayo, pero hindi na ngayon. Pwede na tayong gumastos sa imprastraktura at sa social services sa sarili nating kakayahan at hindi na kailangan manggaling sa utang. (applause)
Itong tinatawag nating social payback ay nagsimula noong isang taon pa nang simulaan natin lakihan ang pondong paggastos sa mga imprastraktura at sa mga pangunahing serbisyo sa ating mga kababayan kasama na dito ang edukasyon.
Education in particular is taking a frontseat in our budget this year. Di ba wala ng ibang mas importante para sa mga Pilipino ngayon kungdi ang edukasyon. Ang oportunidad na magkaroon ng kalidad na edukasyon ang siyang paraan para sa inyong mga kabataan na nabibilang sa sususnod na henerasyon na makalaya sa kahirapan at mamuhay ng ginhawa. (applause)
Education is a core value of Philippine society and family life. Edukasyon ang pinakatanging hiyas na pamana ng bawat magulang, kuya, ate, tiyo, tiya sa kanyang anak, kapatid, pamangkin. Upang makatapos ang kapamilya, nagpupuyat sa trabaho o mangingibang-bansa ang Pilipino, titipirin ang pananghalian, mamumulot ng basura at iba pang sakripisyo alang-alang sa inaasam na diploma. Iyan ang halaga ng pag-aaral. (applause)
Sapagkat pinakamahalaga ang edukasyon para sa pamilyang Pilipino, sinisikap ng pamahalaan na ilaan ang pinakamalaking pondo ng bansa sa edukasyon.
Ngayon dahil sa ating mga reporma sa buwis, mas malaki na ang alokasyon sa mga programang panlipunan kaysa sa pambayad sa utang. Umaabot halos dalawan daang bilyon ang nasa edukasyon. Alam niyo naman na sabi ng ating Constitution ang pinakamalaking bahagi ng budget dapat edukasyon. But this time, it is the biggest percentage in a very long time. (applause)
Tatanggap ng malaking pondo para sa edukasyon ang DepEd na sa halos dalawang daang bilyon pupunta sa mga ahensya ng edukasyon, P150 sa DepEd, ito ang nagpapatakbo ng mga elementary at high school. Tatanggap din ang CHED, tatanggap ang state universities and colleges, tatanggap ang TESDA, tatanggap ang DOST, meron ding galing sa CICT at meron pang bahagi sa DSWD.
Halimbawa, papa-iralin ng DepEd at DSWD ang pre-school, dalawang bilyon ang gagamitin natin para dito. Unti-unti gagawing pre-school ang mga day care center.
Tatlo’t kahalating milyong maralita namang mag-aaral sa pre-school at daycare ang tatanggap ng bigas sa ilalim ng Food for School Program. Kaya may bahaging gastos sa edukasyon ang DSWD hindi lamang ang DepEd.
Meron naman anim na bilyon na nakalaan sa 11,000 na silid-aralan. At mamamahagi ng lampas 35 milliong libro.
Kasama rin sa budget ang pag hire ng sampung libong karagdagan na teacher. At may isang bilyon sa teacher training sa Math, Science and English.
At may probisyong pantaas ng sweldo, baka sa gitna ng taon. (applause) Baka gagawin natin sa susunod na schoolyear in the middle of the year. (applause)
Mahigit 60,000 naman na estudyante sa buong bansa ang bibigyan ng tulong na makapag-aral sa pribadong high school sa ilalim ng GATSPE ESC.
At mayron din tayong high school vouchers, iba pa yun sa ESC. Itong high school voucher naman sa NCR dahil napakamahal ang edukasyon itataas mula sa 5,000 pesos, gagawing 10,000 pesos bawat high school voucher. (applause)
May kontribusyon din ang CICT dahil bibili ng halos sanlibong computer laboratory para sa mga high school. (applause)
At kay Buboy Syjuco, tatlong bilyong piso para sa pagbibigay ng mas maraming vocational training, kasama ang isang bilyong pisong scholarship sa 100,000 na mahihirap, at kasama ang P350 million para pag-training para sa mga Business Process Outsourcing at call center. Ayan ang TESDA.
Yung mga ROTC, papalakasin natin ang ROTC program, kasi gusto natin na sumunod doon sa doctrine ng Citizen’s Army enshrined in the Constitution.
Yung college scholarships naman may manggagaling sa CHED, may manggagaling sa DOST -- P700 million. Ang science scholarships ay P300 million. At hindi lamang yun yan ay para sa college sa Masters, sa Science at Engineering kasama ang infrastructure at scholarships higit one billion pesos ang gagastusin. (applause) Yan ay sa Masters at doctorate.
Kaya nakikita ninyo ang sakop ng edukasyon; pre-school, daycare, pre-school, grade school, high school, voctech, college, Masters, doctorate.
At marami na tayong nagawa, maraming nalalabing kailangan gawin. Balak natin magtrabahong masipag sa susunod na dalawang taon hanggang sa araw na matapos ang aking termino sa 2010. (applause) Magtatrabaho tayo upang itupad ang ating Philippine Reform Agenda. Kailangan sumulong tayo at susulong tayo sa dagdag pang mga reporma. Ipaglalaban natin ang Ekonomiya, Environment at Edukasyon. (applause)
Ayun, andaming mga grupo ng scholars ay tinataas ang kanilang mga bandilang pagpapasalamat. It is our honor to serve you, our constituents. (applause)
Overall, we remain bullish on our economy, optimistic about our future and deeply committed to being a force for good. Kaya salamat at narito kayo ngayon. Thank you for demonstrating your commitment to our nation’s stability and to investing in the people.
“Isulong ang Karunungan -- Panlaban sa Kahirapan.”