SPEECH OF
PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO
PAWIKAN CENTER
Nagbalayong, Morong Bataan
March 12, 2008
• Maraming salamat sa mga opisyal at mamamayan ng Nagbalayong sa Morong, Bataan. Kapuri-puri ang inyong malasakit sa ating pawikan at ang pagtatag ninyo ng Bantay Pawikan People's Organization. Malaking tulong ito sa Pawikan Conservation Project.
• Pinakawalan natin sa dagat kanina ang mga batang pawikan. Mas mabubuhay sila roon, at lalo tayong makasisiguro sa ating pangangalaga. At sa mahabang panahon, makikinabang sa yaman ng karagatan ang mga Pilipino ngayon at sa hinaharap.
• Ipinamamalas din natin ang ating pagpapahalaga sa kapaligiran na isa nang haligi ng ating balangkas pangkaunlaran.
• Kahapon pinagdiriwang natin ang isang importanteng hakbang sa pag-alaga ng ating kalikasan sa pagpirma ng ating pambansang budget.
• Linalarawan ng ating budget ang ating mga asal at prayoridad sa patakaran para mamuhunan sa ating taong bayan. Naglalaan tayo ng pondo sa mga bagay na magpapa-asenso lalo sa ating bansa. Ito ang tintatawag na “Tatlong E” – Ekonomiya, Edukasyon at Environment.
• Bawat Pilipino gusto ng mabuting trabaho, pagkain sa mesa, mabuting edukasyon para sa kanilang mga anak at isang malusog at malinis na kapaligiran na may malinis na hangin, malinis na tubig at malinis na lupa.
• Sa araw na ito, ipinagdidiriwang natin sa Bataan ang Environment. Mahal ng mga Pilipino ang ating bansa. Kailangang tayo ay maingat ng taga-alaga ng ating likas na kapaligiran. Bigay ng Panginoon ang ating kapaligiran. Dapat hindi natin abusuhin ang linikha ng Panginoon. Kasama dito ang commitment sa malinis na hangin, malinis na tubig, at isang malinis at malusog na kapaligiran, ligas sa mga nakakalasong basura na maaaring saktan bawat isa sa atin.
• Sa Environment tayo ay tututok sa:
• 1) Conservation - We need to beautify our villages and cities and rid them of trash; build more urban parks and recreation areas; purify our water and clean up industrial sites that are both unhealthy and aesthetically unpleasant. From our newly-approved budget that is allocating the biggest chunk to social services, we have put aside P 5 Billion for conservation activities from the DENR's P 8 Billion total budget.
• 2) Energy independence - We need to tap alternative indigenous sources of power and energy, and we put a premium on green and renewable energy. We are veering away from imported fossil fuels whose prices are not only sky high, but also highly volatile. Our budget gives P274.16 million to support DOE's efforts on energy resource development and utilization and conservation activities. The PNOC has its own billion of corporate funds for the development of New and Renewable Energy sources even as we work harder to convince investors to venture into the promising areas of solar, wind, geothermal and biofuel energy.
• 3) Reforestation - We will recover our lost forests through massive tree planting with the help of communities. The DENR budget sets aside P 300 million for reforestation. We have also convinced several countries like New Zealand to give their grants as reforestation projects. Inatasan din natin ang PNOC na gumastos sa forestation upang bawiin ang oxyen na kinakain ng langis kaya nagkakaroon ng global warming.
• 4) The protection of our national parks and wildlife refuges is also high in our priority. We want to turn our coral reefs and beaches, the rice terraces — our contribution to the wonders of the world — as well as our our mountain vistas and tropical forests into national parks and international sanctuaries for eco-tourism and scientific research. P 240 Million will be spent for protected areas, apart from what they can raise as gate receipts from holidaymakers. There are specific provisions for wildlife sanctuaries, including P 5 million for the Pawikan Conservation Project. Inaatasan ko ring gumamit ng pondo ng Philippine Tourism Authority para dito. Samantala, may dala akong tseke bilang tulong sa livelihood nga Sagip Pawikan para magtayo ng lodging rooms para sa mga turista at marine biologists sa sentrong ito.
• Habang marami na tayong nagawa, marami pa ring dapat gawin. Balak nating magtrabaho nang masipag sa susunod na dalawang taon hanggang mataposang aking termino sa 2010 para matupad ang ating Philippine Reform Agenda. Kailangan at gagawin natin, susulong tayo ng higit pang mga reporma. Ipaglalaban natin ang Ekonomiya, Edukasyon at ang Enviroment.
• “Alagaan ang Kalikasan — Panlaban sa Kahirapan” — angkop ang temang ito sa hangad nating pagsamahin ang edukasyon at ekonomiya sa pangangalaga ng kalikasan. Maging ang nag-u-umapaw na yaman ng kalikasan, madaling mau-ubos kung salaula ang paggamit. Ngunit kung maayos ang pangangalaga, higit tayong bibiyayaan ng dagat, gubat at lahat na nakapaligid sa atin, at sa yamang ito aahon sa hirap ang milyun-milyong mamamayan ngayon at ang mga susunod pang henerasyon.
• Halimbawa, dati, marami sa inyo ang nangunguha ng itlog ng pawikan o nanghuhuli ng pawikan upang ibenta, ngunit ngayong alam na ninyo ang halaga ng nilalang na ito, nangunguna kayo sa pangangalaga. At kayo na rin ang nagpatunay na mas gaganda ang inyong kabuhayan kung ipagtatanggol ninyo at tutulungan dumami ang pawikan sa halip na lipulin ito sa walang awang pagtugis.
• Nagbalayong is a good example of how conservation efforts can be turned into livelihood opportunities that can lift people up from poverty. Maraming salamat sa inyong magandang halimbawa.
• Aasahan kong ipagpapatuloy ninyo ito. Inaasahan kong tularan kayo ng lahat ng Pilipino sa tindi ng inyong pagsisikap na alagaan ang kalikasan bilang laban sa kahirapan.