Malugod na sinalubong ng mga residente ng kapitolyo ng Balanga si Bise
-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa paglunsad ng "Soup Kitchen"
sa Bayan ng Bataan.
Isa sa maraming taong humingi ng tulong medika kay Bise-Presidente
Gloria Macapagal -Arroyo. Ito ay bahagi ng "Common Man's Day Program"
na kaalinsunod sa kanyang adhikaing makatulong sa mga nangangailangan.
Sinusubuan ni Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo and isa sa mga
300 batang nakinabang sa kanyang proyektong "Supplemental Feeding
Program" na naglalayong mabigyan sila ng sapat na nutrisyon.
Binigyan ni Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ng isang wheelchair
and batang si Loriel na biktima ng polio. Ito ay bahagi ng kanyang mga
proyekto na naglalayong matulungan ang mga may kapansanan.
Nakipanayam si Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa mga Day Care
Workers sa Balanga, Bataan upang alamin kung paano mapabuti ang sistema
ng pagbibigay serbisyo.
Supplemental feeding
Makikita ang kagalakan sa mukha ng mga batang ito na kalinga ng Silungan
Center sa Baguio City nang dalawin sila ni Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo
para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga kabataan.
Iniabot ni Bise-Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang halagang P5,000.00
bilang tulong sa mga nangangailangan. Bahagi Ito ng kanyang patuloy
na pagsuporta sa proyektong CIDSS (Comprehensive Integrated Delivery
of Social Dervices)